^

Metro

40 kilong isdang may jobos, nasabat

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 40 kilong isdang dalagang bukid (Red Saud) ang kinumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) kamakalawa sa Antipolo Market sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila matapos mapag-alamang itinubog ito sa jobos.

Sa report na tinanggap ni City Administrator Jesus Mari Marzan ng Manila City Hall mula kay Joselito Diaz, Team Leader ng  VIB-Special Meat Squad, nagsasagawa sila ng inspeksiyon nang ma­pansin ang mapulang  kulay ng isdang dalagang bukid na itinitinda  ni Zenaida dela Cruz.

Dito ay inamin ni dela Cruz  na gumagamit sila ng jobos upang maging maganda at magmukhang sariwa ang mga isda.

Ayon naman kay Marzan, hindi na pagtitindahin si dela Cruz matapos na mapatunayang lumabag sa  City Ordinance 1600 Section 998 o Adulteration.

Giit ni Marzan, delikadong makain ang mga isdang may jobos lalo pa’t pumapasok ito sa loob ng katawan ng tao.

Aniya, ang kalusugan ng  consumers ang dapat na bigyan ng prayoridad at hindi ang pagnenegosyo ng ilang mga negosyante. (Doris Franche)

vuukle comment

ANTIPOLO MARKET

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

CITY ORDINANCE

CRUZ

DORIS FRANCHE

MANILA CITY HALL

MARZAN

RED SAUD

SPECIAL MEAT SQUAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with