^

Metro

Review center inireklamo ng pharmacist

-

MANILA, Philippines - Inireklamo ng isang 27- anyos na pharmacist ang isang review center dahil sa kabiguang mapaalis siya para sa trabaho sa Australia, sa kabila ng P250,000 nakuha sa kanya bilang bayad sa pro­cess­ing fee at review, sa Malate, Maynila.

Ayon sa biktimang si Nona Carla Macuto Asi­lom, ng Julio dela Cruz St., Palanan, Makati City, pinagtataguan na siya ng suspek na si Dr. Joseph Bagtas Morales, ng 6th Ave., Grace Park Calo­ocan City, at may-ari ng ALL-UP Review and Edu­cation Center sa 1639 Room 203 Casa Pennsyl­vania Condo, Leon Guinto St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Mariano Panaligan, Oktubre 25, 2005 hang­gang Hulyo 2009 naganap ang bayaran sa mismong tanggapan ng suspek.

Sinabi ni Asilom, nag-review ito sa nasabing re­view center dahil sa ka­gustuhan na makapag­trabaho sa Australia tulad ng dadaanang FPGEE US Pharmacy Program, Aus­tralia Pharmacy Program at Pharmacy Board Exa­mination. Hiningan umano siya ng suspek ng hala­gang P250,000 para sa en­trance, processing at con­sultancy fees at Aus­tralian visa.

Sa kabila na natapos ng biktima ang kanyang pagre-review at kanyang Australian visa na la­mang ang kanyang hini­hintay hanggang sa tuma­gal na ang pangako na sa loob ng 2 taon ay maka­kaalis na ito.

Sa pagpa-follow-up niya umano sa tanggapan ng suspek ay hindi ito humaharap at pinasasabi na lamang ang pangako na makaaalis din siya. (Ludy Bermudo)

AUS

CASA PENNSYL

CRUZ ST.

DR. JOSEPH BAGTAS MORALES

GRACE PARK CALO

LEON GUINTO ST.

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MARIANO PANALIGAN

PHARMACY PROGRAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with