MPD kinalampag sa insidente ng patayan

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng isang ginang sa Manila Police District (MPD) na im­bestigahan ang pagpa­tay sa kanyang anak dahil sa paniniwalang mayroon itong halong pulitika.

Ayon kay Yolly Bulos, bi­naril at napatay ang kan­yang anak na si Rogelio Bulos, 27, cook sa tender bar sa Greenhills noong Sabado habang papauwi na ito sa pagitan ng ala-1 at alas-2 ng madaling-araw sa Quezon at Coral st. Tondo Maynila.

Bigla na lamang uma­nong nilapitan ng riding in tandem ang kanyang anak na noon ay nakasakay din sa motorsiklo at saka ma­lapitan itong binaril.

Si Bulos ay coordinator ni dating Manila Mayor Lito Atienza Jr. sa Brgy. 120 Zone 9.

Sinabi umano ng pu­lisya na ang bumaril sa kan­yang anak ay miyem­bro ng bonnet gang subalit wala namang maiprisin­tang suspek ang MPD sa kanila kahit na pangala­wang beses na ang ga­nitong insidente na nang­yari sa kanilang lugar.

Dahil dito kayat nana­wa­gan si Bulos kay MPD director Rolando Magtibay na bigyang pansin ang dumaraming insidente ng patayan na posibleng election related violence.

Show comments