^

Metro

Dahil sa P100, driver inutas

-

MANILA, Philippines - Dahil sa 100 piso, isang driver ang pinagsa­saksak at napatay ng isang obrero sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Labing-apat na saksak ang da­hilan ng kamatayan ng biktimang si Catalino Tipon-Tipon, 34, ng West Riverside St., Brgy. San Antonio sa lungsod.

Pinaghahanap na­man ang suspect na si Leo Nidoy, 34, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nangyari ang insi­dente sa may West Ri­ver­side St., ng nasabing barangay ganap na alas-3 ng madaling-araw nang pilit na binabawi ng bik­tima ang kanyang perang P100 na kinuha ng sus­pect habang siya ay nag­susugal ng larong “Pusoy 2”.

Tumanggi namang ibalik ng suspect ang pera hanggang sa ha­bulin ito ng biktima at dito na nagbunot ng patalim ang salarin at inundayan ng saksak si Tipon-Tipon. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BRGY

CATALINO TIPON-TIPON

DAHIL

LABING

LEO NIDOY

RICKY TULIPAT

SAN ANTONIO

SHY

WEST RI

WEST RIVERSIDE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with