^

Metro

PASG pinabubuwag ng korte

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinabubuwag ng Manila Regional Trial Court ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) dahil umano’y pagiging iligal at labag nito sa Kons­titusyon.

Batay sa siyam na pa­hinang desisyon, idinek­lara ni Judge Silvino Pam­ pilo Jr. ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ang Executive Order (EO) No. 624 na siyang lumikha sa PASG na “invalid” at “unconstitutional.”

Ayon sa desisyon, ang pagkakatatag sa PASG na pinamumunuan ni Under­secretary Antonio Villar Jr.  ay labag sa dok­trina ng separation of powers, sa­lungat sa mga probisyon ng Tariff and Customs Code, at dinudu­p­lika la­mang nito ang kapangya­rihan at tungku­lin ng Bureau of Customs (BOC), partikular ang pag­laban sa lumalalang smuggling sa bansa.

Nakasaad din sa de­sis­yon na nakagawa ng pag­­kakamali ang Mala­cañang nang itatag nito ang PASG dahil ito ay trabaho ng Kon­gresso at hindi ng ehekutibo.

Nag-ugat ang kautu­sang ito ni Pampilo sa isi­nampang Petition for Declaratory Relief with Application for Preliminary Injunction and Temporary Restraining Order (TRO) ni Sui Ting Alpha Kwok, isang Chinese-born British national na isinasang­kot sa pagpuslit ng P500 milyong halaga ng mga diyamante.

Hiniling ni Kwok sa hu­kuman na buwagin ang PASG kasunod ng iligal umano nitong pagsalakay sa kanyang condominium noong Agosto 18, 2009.

Nakapuntos dito ang peti­tioner na si Sui Ting Alpha­ Kwok, ang binan­sa­­gang “Diamond Queen” laban sa PASG matapos iutos ng korte ang pagbu­wag sa nasabing ahensya.

ANTONIO VILLAR JR.

BUREAU OF CUSTOMS

DECLARATORY RELIEF

DIAMOND QUEEN

EXECUTIVE ORDER

JUDGE SILVINO PAM

KWOK

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PRELIMINARY INJUNCTION AND TEMPORARY RESTRAINING ORDER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with