^

Metro

2 proyekto ni Ilagan patapos na

-

MANILA, Philippines - Dalawang malalaking proyektong may kabuuang P10 milyon ang agarang ipinapatapos ni Cainta Mayor Mon Ilagan sa kan­yang bayan upang maka­bawi sa mga pagsalanta ng bagyong Ondoy. Ayon kay Ilagan, kabilang sa mga pro­yekto ang drainage cons­truction at road asphal­ting project sa Ba­rangay San Isidro, Cainta at ang riprapping, desilting and desilting ng Mapandan Creek sa Brooksidehills, Cainta.

Mahigit na sa kalahati ang nagagawa sa unang pro­ yekto samantalang ang ika­lawa nama’y matatapos na.

Pangunahing makiki­nabang sa drainage construction and road asphal­ting project ang mga re­sidente ng Bautista /Roosevelt Compound. Ang proyekto ay umabot na sa 55% completion. 

Ang accomplishment naman ng dredging at desilting sa Mapandan Creek ay umaabot na sa 95% habang ang riprapping works nasa 65% com­pletion. Ayon kay Cainta MPDC Engr. Edmon Pas­cual, “kailangan na lamang naming bilisan ang pag­putol ng mga puno sa paligid ng creek upang lalo pang mapabilis ang pag­tatapos ng proyekto.

Bagamat ipinagma­malaki ng administrasyong Ilagan ang mabilis na progreso at pagtakbo ng mga proyekto, aminado rin ang alkalde na naging kapalit nito ang pagtatapos ng ilan sanang mahaha­laga ring programa para sa bayan ng Cainta.

AYON

BAGAMAT

CAINTA

CAINTA MAYOR MON ILAGAN

EDMON PAS

ILAGAN

MAPANDAN CREEK

ROOSEVELT COMPOUND

SAN ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with