^

Metro

Dalaga nagbigti dahil sa pag-ibig

-

MANILA, Philippines - Isang dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos na magtalo ng kanyang kinakasama sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Liberiza Disipolo, 26, accounting personnel ng Advance Pages Hills at residente sa Rivera compound, Del Rey Subdivision, Baesa Caloocan City.

Sa ulat ni SPO1 Florencio Escobido, may-hawak ng kaso, alas-9 ng umaga nang matagpuan ng kanyang live-in partner na si Ricardo Abdao III, 19, ang biktima habang nakabitin sa kisame ng kanyang tinutuluyan.

Bago ang insidente, nagkaroon umano ng hindi pagkaka­unawaan ang biktima at si Abdao noong Linggo ng gabi dahil sa pagtanggi umano ng huli na pumunta sila sa Bulacan.

Ayon kay Abdao, huling mensahe sa text na natanggap niya sa biktima ay ganap na alas-3:10 ng umaga ilang oras bago ito natagpuang nakabitin.

Ayon sa pulisya, base sa nakuha nilang impormasyon, nata­takot umano ang biktima na iwan siya ng kanyang kinaka­samang si Abdao dahil labis ang pagmamahal niya dito.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABDAO

ADVANCE PAGES HILLS

AYON

BAESA CALOOCAN CITY

BULACAN

DEL REY SUBDIVISION

FLORENCIO ESCOBIDO

LIBERIZA DISIPOLO

RICARDO ABDAO

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with