^

Metro

Sandra Cam bubusisiin din ng Task Force Mayor

-

MANILA, Philippines - Iimbitahan rin ng Task Force Mayor ang kontrober­syal na si Sandra Cam upang kunan ng pahayag ukol sa pag­paslang kay jueteng whistle­­blower Wilfredo “Boy” Mayor na ina­asahang maka­ka­tulong sa imbestigasyon ng kaso.

Sinabi ni TF Mayor at Pasay police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta na nais nilang mapagtugma ang mga nakalap na impormasyon ng kanilang mga tauhan na nag­tungo sa Daraga, Albay sa mga nauna ng pahayag ni Cam kaugnay sa nakatakda umanong pagbu­bunyag ni Mayor sa mga nangyaring anomalya sa mga proyektong pang-imprastrak­tura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bicol Region.

Nakausap na ng mga im­bestigador ni Petrasanta ang maybahay ni Mayor na si Cherry, 56, na konsehal ng munisipalidad ng St. Donna Monica sa Daraga, Albay subalit wala umanong bina­bang­git ang ginang kaugnay sa mga proyektong pinasok ng napaslang.

Sa kasalukuyan, pinagtu­tu­unan pa rin ng imbestigas­yon ng pulisya ang natukla­sang pagkakautang ni Mayor sa ilang mga casino financier, kabilang na ang isang Erlinda Yao na kilala sa alyas na “Flower” na huling nakaug­nayan umano ni Mayor bago siya umalis sa City State Hotel and Casino sa Malate, Manila noong Pebrero 28 ng ma­daling-araw bago siya napas­lang sa MIA Road, Pasay City.

Nabatid rin na may mga utang rin umano si Mayor sa mga financier sa sabong matapos na mahumaling rin ang biktima sa malakihang derby. (Danilo Garcia)

ALBAY

BICOL REGION

CITY STATE HOTEL AND CASINO

DANILO GARCIA

DARAGA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ERLINDA YAO

MAYOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with