^

Metro

P10-milyong cocaine nasamsam ng MPD at NBI

-

MANILA, Philippines - Aabot sa P10-milyong halaga ng cocaine ang na­sabat ng mga tauhan ng Manila Police District at Na­tional Bureau of Investigation sa magkahiwalay na operas­yon sa Tondo at sa Catarman Samar.

Sa Maynila inaresto ng mga awtoridad sina Jolly Soriano Bangsa, 36; at Leslie Nab Reyes, 27, matapos ma­sabat sa kanilang posesyon ang isang kilo ng cocaine, na nagkakahalaga ng P5-milyon, habang naghihintay ng buyer sa Tutuban Mall, Tondo, May­nila, sa ulat kahapon.

Dakong alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang ma­sakote ang dalawang sus­pek sa harapan ng Tutuban Mall matapos inguso ng police asset hinggil sa pangangalap umano ng buyer ng dalawang suspek.

Samantala, nadakip na­man ng NBI si Dante Palando Ponio, 33, ng Gamban St., Riverside, Pasay City at may isa pang address sa Brgy. Tunasan, Ladora Vil­lage, Muntinlupa City sa isi­na­gawang buy-bust operation.

Isang kilo din ng cocaine na nagkakahalaga ng P5 mil­yon ang nasamsam sa sus­pect sa operasyon sa Catar­man, Samar.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga nadakip. (Ludy Bermudo)

BUREAU OF INVESTIGATION

CATARMAN SAMAR

DANTE PALANDO PONIO

GAMBAN ST.

JOLLY SORIANO BANGSA

LADORA VIL

LESLIE NAB REYES

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

TUTUBAN MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with