Kandidatura ni Lim ibabasura ng CBCP
MANILA, Philippines - Ibabasura umano ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kandidatura ni Manila Mayor Alfredo Lim sanhi ng pagsuporta nito sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill. Nakarating sa CBCP na lantaran na ang pagsuporta ni Lim sa RH bill at hinayaan nito na kumalat ang mga artificial contraceptives sa mga health centers sa Lunsod. Dahil dito, muling iginiit ni Mssr. Pedro Quitorio, spokesman ng CBCP, ang panawagan sa mga katoliko na huwag iboto ang mga local o national candidates na sumusuporta sa RH bill dahil taliwas ito sa paniniwala ng Catholic Church na nagtataguyod ng isang pro-life policy. Inamin ng isang opisyal ng Manila Health Department na nagpapakalat na sila ng mga contraceptives sa mga health centers at maaring makakuha ang sinuman nito na nais gumamit gaya ng condom.
- Latest
- Trending