^

Metro

Palengke minomonitor ang mga isdang may jobos

-

MANILA, Philippines - Inutos ni Jesus Mari Marzan, city administrator ng Manila City Hall, sa mga tauhan ng Vete­rinary Inspection Board na subaybayan ang mga palengke at mga talipapa laban sa uma­no’y paggamit ng jobos sa mga isdang tinitinda.

Sinabi ni Marzan na nakakaalarma ang modus operandi ng mga tindera sakaling totoo ang report dahil magdudulot ito ng ma­samang epekto sa ka­lu­sugan ng sinumang consumer na makakain ng isdang may jobos.

Ayon kay Marzan,   sabay-sabay ang mo­ni­toring na isina­sa­gawa sa may 16 na pa­lengke at 10 talipapa na hawak ng kanyang tang­ga­pan upang ma­tukoy kung sino sa mga stall owners ang gumagamit ng jobos upang mag­muk­hang sariwa ang kani­lang panindang isda.

Inirekomenda din ni Marzan sa publiko na iwasan na bumili ng mga isdang tumpok at sa halip ay sa mga suking tindera bumili upang matiyak ang ka­nilang kaligtasan.

Sakali umanong duda at takot na kumain ng isda, pinayuhan ni Marzan ang publiko na kumain na lamang ng gulay. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

INIREKOMENDA

INSPECTION BOARD

JESUS MARI MARZAN

MANILA CITY HALL

MARZAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with