^

Metro

Bebot timbog sa kidnap-for-sale

-

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng   Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at dalawang  kagawad ang pinarangalan dahil sa pagka­kadakip sa isang  babae na sangkot sa  kidnap-for-sale  ng mga bata  na nag-ooperate sa  lungsod ng Maynila. Personal na pinarangalan nina  Manila Mayor Alfredo Lim at ni MTBP chief  Nancy Villanueva ang mga enforcers  na sina Ricardo Pilapil at Ro­drigo Lorenzo at  mga barangay kagawad na sina  William Meneses at William Gasmin. Sa salaysay ni  Evangeline Mariano, ina ng batang  dinukot, kinaibigan siya ng  suspect na si  Christina dela Cruz  habang nagti­tinda siya sa  Harrison Plaza mall  sa Ermita. Naging madalas ang kanilang  pagkikita  at pag-uusap.

Pebrero 20 nang maganap ang insidente nang ihabilin pan­samantala ni Mariano  ang kanyang anak kay  Dela Cruz upang magbanyo. Subalit laking gulat niya nang hindi na niya abutan ang kanyang anak at si dela Cruz na nagbunsod sa kanya upang humingi ng  tulong mula sa mga traffic enforcers at kagawad.

Hindi  tumigil sina Pilapil, Lorenzo, Meneses at Gasmin sa paghahanap hanggang sa makakuha sila ng impormasyon na  may nagbebenta ng bata  sa halagang P200 hanggang P1,000. Agad na tinungo nina Pilapil at Lorenzo ang lugar at nadakip ang suspect. Agad ding sinampahan ng kasong child trafficking si dela Cruz.   (Doris Franche)

CRUZ

DELA CRUZ

DORIS FRANCHE

EVANGELINE MARIANO

HARRISON PLAZA

LORENZO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

NANCY VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with