^

Metro

1 PATAY, 1 SUGATAN: 'Tondo death squad' umatake

-

MANILA, Philippines - Hinihinalang kinursunada lamang matapos pagbabarilin ng pinaniniwalaang ‘Tondo Death Squad” ang magkaka­ibigan, na ikinasawi ng isa habang sugatan  ang isa pa, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rogelio Bulos, 27,  cook sa Tender Bobs Res­taurant at residente  ng Laurel St., Tondo, Maynila na na­matay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Sugatan at nakaratay pa sa nasabing pagamutan ang kaibigan nitong si Glen Sal­vador, 27, technician, ng   Alpine St., Tondo.

Hindi pa matukoy ang pag­kakakilanlan sa mga suspects na riding in tandem at respon­sable sa pamamaril na mabilis na tumakas bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat ni Det. Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:40 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa panulukan ng Quezon at Coral Sts., Tondo, Maynila.

Nabatid na papauwi umano sina Bulos, Salvador at isa pang kaibigang si Borro­meo Gunda, 22, na sakay sa isang motorsiklo nang sundan sila ng riding in tandem na mga suspek.

Tinapatan ang mga bik­tima ng mga suspects at saka bumunot ng baril ang isa sa mga ito saka pinaputok sa magka­kaibigan. Sumemplang umano ang tatlo at sina Bulos at Salvador lamang ang na­tamaan ng bala habang si Gunda ay nakatalon sa mo­torsiklo. Mabilis na tumakas ang dalawang suspek kaya ma­bilis na isinugod ni Gunda ang dalawa sa ospital.

Sa imbestigasyon, walang nakakaaway ang mga biktima at hindi nila kilala isa man sa dalawang suspek.

Posible umanong ang mga suspects ang tinaguriang death squad sa Tondo na basta na lamang nangungur­sunada at namamaril o na­nanakit na lamang. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALPINE ST.

BULOS

CORAL STS

GLEN SAL

JONATHAN RUIZ

LAUREL ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with