'Mao Tse Tung', dedo sa drug deal

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang lalaki buhat sa Sulu, na kapangalan ng dating Chinese leader na si Mao Tse Tung sa Muslim Village sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Maotsetung Sinihag, 33, tubong Jolo at residente ng Salaam Compound, Brgy. Culiat.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagpaslang ay may kinalaman sa nabigong drug transaction base sa ebidensiya na nakuha sa crime scene.

Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang dalawang empty shells ng kalibre 45 pistol at apat na sachets ng shabu.

Napag-alaman na mabilis na nagsitakas ang mga salarin matapos ang ginawang krimen. (Angie dela Cruz)

Show comments