^

Metro

Ibinitin sa bangin: Kinidnap na trader, natagpuang patay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang negosyante mula sa Quezon City na dinukot ng isang grupo ng kalalakihan ang natagpuang patay at naka­bitin sa malalim na bangin sa may Sitio Pideg, Magsaysay, Santa, Ilocos Sur.

Makaraan ang dalawang araw, kinilala ng ina at tiyahin ang  bangkay ng negosyante na si Smokey  Edward Reyes Arcangel,  36, naninirahan  sa Quezon City.

Ayon kay Santa PNP chief PSI Dennis Riberal, ang bik­tima ay kinilala ng kanyang  tiyahin na si  Josephine Cal­deron, isang government employee.

Nakatulong ang pagtunton sa biktima sa pamamagitan ng peklat sa kanyang ka­liwang binti.

Labis na pighati ang na­ramdaman ng mga kaanak ng biktima, bagamat tumang­ging magsalita ang mga ito.

Base naman sa otop­siyang isinagawa sa biktima, napag-alaman na ilang ulit itong binaril sa  ulo at sa likuran na tumagos sa dibdib.

Ang bangkay ni Arcangel ay nakita  sa kakahuyan sa may bangin na nakabitin na parang baboy na nakagapos pa ang mga kamay, paa, at nakatalukbong ng bonnet at packaging tape ang ulo’t mukha.

Ayon  kay Sr. Insp. Riberal, kalibre .45 baril ang umano’y ginamit sa pagpatay sa bik­tima.

Patuloy pa rin ang isinasa­ga­wang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

DENNIS RIBERAL

EDWARD REYES ARCANGEL

ILOCOS SUR

JOSEPHINE CAL

QUEZON CITY

SHY

SITIO PIDEG

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with