^

Metro

CCTV camera gagamitin sa halalan

-

MANILA, Philippines - Magiging sandata rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga closed circuit television (CCTV) cameras laban sa po­sibleng sumiklab na mga karahasan at pandaraya sa Metro Manila sa eleksyon.

Sa kabila na umaasa ang NCRPO na magkakaroon ng mapa­yapa at tapat na halalan, hindi pa rin ipinagsa­sawalang-bahala ng pulisya ang seguridad. Kasalu­kuyang tinatapos na ng pulisya ang planong ireposisyon ang kanilang mga CCTV camera sa mga lugar na tutu­kuyin ng Commission on Elections (Comelec) na mga areas of concern sa Kamaynilaan.

Sa inisyal na pagtataya ng NCRPO, may maliit na tsansa na magkaroon ng karahasan sa 16 na lungsod at 1 munisipalidad sa Metro Manila. Sa kabila nito, pa­tuloy pa rin ang mahigpit umanong pagpapatupad ng “gun ban” matapos na malusutan ng mga “hired gunman” na pumaslang kay “jueteng whistleblower” Boy Mayor sa Pasay City.

Gagamitin rin ng NCRPO ang Regional Tactical Operations and Intelligence Center (RTOIC) na sentro ng monito­ring ng NCRPO sa Metro Manila. Tiniyak naman ni NCRPO Director Roberto Rosales na pagmi­mintini lamang ng kapayapaan sa mga “polling precincts” ang kanilang tutukan at hindi ang paniniktik sa karapatan sa malayang pagboto ng mga botante.

Ang pagkakabit naman ng mga CCTV camera sa mga polling precincts ay inaasahan umano na hahadlang sa mga palalong kandidato sa pagdadala ng armas, iligal na pangangampanya at pagbili ng boto.

Isusulong naman ng NCRPO ang naturang plano kay Comelec-NCR regional director, Michael Dioneda sa pamamagitan ng Joint Security Coordinating Center (JSCC).  (Danilo Garcia)

BOY MAYOR

COMELEC

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

JOINT SECURITY COORDINATING CENTER

METRO MANILA

MICHAEL DIONEDA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with