^

Metro

Pulse Asia itinanggi survey ni Defensor

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan nga­yon ng pamunuan ng Pulse Asia na wala silang gina­ga­wang poll survey sa Quezon City partikular na sa pagka-alkalde at sinabing ma­lamang na gawa-gawa lamang ito ng kampo ni dating presidential chief of Staff Mike Defensor.

Ayon kay Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia wala silang ginagawang anumang survey sa QC na nagsa­sabing dumikit na ang rating­ ni Defensor kay Que­zon City vice mayor Herbert Bautista na sa ngayo’y tumatakbong alkalde ng lungsod sa ilalim ng Liberal Party.

Dagdag ni Holmes, wala silang survey na Pebrero 15 na ginawa kani­numan sa Quezon City partikular kay Defensor.

“We have not conducted a survey in Que­zon City not for this election, not for anyone,” pa­hayag pa ni Holmes .

Ayon kay Holmes, ma­ituturing na *bogus* ang nasabing ulat na ipina­labas ng kampo ni Defensor.

Magugunitang nag­pa­­la­bas kahapon ng ulat si Atty. Vic Rodriguez, campaign manager ni Defensor, dala ang diumano’y pinakahuling Pulse Asia survey na kung saan ay nakakuha si Defensor ng 36.4% preferential rating na halos dumikit kay Bau­tista na diumano ay nakakuha ng 42.5%.

Binanggit ni Holmes na kasalukuyan na silang nag-uusap hinggil sa kanilang magiging susu­nod na hakbang laban sa naging maling pahayag ng kampo ni Defensor.

AYON

BAU

DEFENSOR

HERBERT BAUTISTA

LIBERAL PARTY

PULSE ASIA

QUEZON CITY

RONALD HOLMES

SHY

STAFF MIKE DEFENSOR

VIC RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with