^

Metro

Witness pa itinumba

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na witness sa pagkapaslang sa camera man ng channel 9 mata­pos itong limang beses pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki ha­bang ang una ay nakaupo at nagpa­pahangin sa ha­rapan ng isang tindahan, kama­kalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Charles Mer­ced-Ga­larce, ng Berna­dette St., Admin Site, Brgy 186, Tala ng na­bang­­git na siyudad, nag­tamo ito ng limang tama ng bala sa ulo at leeg buhat sa isang kalibre .45 baril.

Samantala, nagsa­sa­­gawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakiki­lalang suspek.

Naganap ang insi­dente dakong alas- 9:00 ng gabi sa harapan ng Richel store na nasa Saint Joseph St., ng nabanggit na barangay.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa harapan ng naturang tindahan, na kasama ang pinsan nitong si Liezel Merced nang big­lang dumating ang suspek na nag­pang­­gap na bibili sa tindihan. Habang naka­talikod ang bik­tima, wa­ lang sabi-sabing pinagba­baril nito si Galarce.

Nabatid na si Ga­larce ang star witness sa pag­patay kay channel 9 Ralph Ruñez no­ong Hulyo 2006. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADMIN SITE

BERNA

BRGY

CHARLES MER

LIEZEL MERCED

LORDETH BONILLA

NABATID

RALPH RU

SAINT JOSEPH ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with