^

Metro

3 Sayyaf bomber tiklo sa Taguig

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinala­ ang miyembro ng mga bandi­dong Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Jemaah Isla­miyah (JI) terrorist groups na sangkot sa serye ng pambobomba ang nasa­kote ng pinag­sanib na elemento ng pu­lisya at militar sa raid sa Maharlika Village, Taguig City ka­hapon ng madaling-araw.

Kasabay nito, nasilat ng mga awtoridad ang pinani­niwalaan umanong pla­nong pambobomba ng mga nasakoteng Abu Sayyaf sa mga komersyal na distrito at iba pang mga matataong lugar sa Metro Manila.

Kinilala ang mga nasa­koteng suspect na sina Abdul Racman, alyas Ala­din/Asir; Joher Dem­alon, alyas Ter/Ming at Mujahjid Demalon, alyas Lupin.

Bago ito ay nagsagawa ng surveillance operations ang mga awtoridad maka­raang makatanggap ng report na nasa Maharlika Village nagtatago ang mga teroristang Abu Sayyaf na nagresulta sa pagkaka­bitag sa mga ito dakong ala-1 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Ang tatlo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 11 Branch 38 sa Alabel, Saranggani kaugnay ng mga kasong murder, destructive arson at robbery with violence.

Ayon sa ulat, ang mga ito ay miyembro ng terror cell ni Abu Sayyaf Commander Abdulbasit Usman na may ugnayan sa JI terrorist, ang Southeast Asian terror network na naitatag ng Al Qaeda.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang mga detonating cords, 3 blasting caps at  3 hand grenades.

ABDUL RACMAN

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ABDULBASIT USMAN

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

JEMAAH ISLA

JOHER DEM

MAHARLIKA VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with