Century Park babawiin

MANILA, Philippines - Nangako si dating Manila Mayor Lito Atienza Jr. na babawiin ang “crown jewel” ng lung­­sod na ibi­nenta ng palugi ng lokal na pama­halaan ng lung­sod ka­pag nanalo siya sa mayoralty election sa lunsod sa Mayo. 

Pinuna ni Atienza na agrabyado at lugi ang Maynila sa pagbenta ng Century Park property sa napakababang ha­laga.

Pinaliwanag nya na ang lupang kinatata­yuan ng Century Park Hotel na may laking halos tatlong hektarya na pag-aari ng lungsod ay may market value na apat na bilyong piso.

Sinabi ni Atienza na, kapag nahalal siyang muli bilang alkalde ng Maynila, una niyang pro­yekto ang pagbawi sa Century Park hotel mata­pos itong ibenta ng kasa­lukuyang pama­halaang-lokal ng lunsod.

Idinagdag pa ni Atienza na hindi tama na ibinenta ang nasabing hotel ng “bargain price” na isang bilyon sa isang bilyunaryong negos­yante dahil malaking kalugihan ito sa pama­halaang lung­sod ng Maynila.

Nilinaw pa ng dating Alkalde na kung hindi na maaring kanselahin ang bentahan ay magsa­sa­gawa na lamang siya ng open at transparent public bidding.

Ipinaalala din ni Atienza na, sa mga lun­sod sa Pilipinas, tanging ang Maynila lamang ang nagmamay-ari ng isang 5-star hotel tulad ng Century Park.

Show comments