P7.2-milyong pekeng rubber shoes, nasamsam
MANILA, Philippines - Kinumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng Vans rubber shoes na umaabot ng 4,020 pares na katumbas sa halagang P7.2 milyon, sa magkasunod na operasyon, sa Pasay City.
Nakuha ang mga pekeng produkto sa dalawang bodega na pag-aari umano ni Jaime Ong na matatagpuan sa Unit 9 (858), 3rd Floor, Harrison Shoe Plaza at F.B. Harrison corner Agtarap Sts., Pasay City at YSL Compound sa 2195 Leveriza St., Pasay City.
Bunsod ng inihaing reklamo ng Vans Inc. at K-Swiss sa NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ay isinagawa ang raid sa bisa ng search warrants na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 17.
Si Ong ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Trademark Infringement sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act 8293. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending