600 barangay kay Atienza

MANILA, Philippines - Tinatayang 600 na ba­rangay sa buong Maynila ang buong tapang na nag­ pahayag ng pagsu­porta sa kandidatura ni dating Manila Mayor Lito Atienza.

Ayon sa mga kapitan na sina Danilo Aquino ng District 3, Brgy 385 Zone 19; Francisco Blancko ng Dist.6 Brgy. 507 Zone 69; Violeta Candelaria ng Dist 1 Brgy 8 Zone 1; Jorge Limqueco ng Dist 4; Vero­nica Buenaventura ng Dist. 2 at Virginia Elizan ng District 5, sa kabuuang 897 barangay sa Maynila, 600 ang nagpahayag ng su­porta kay Atienza.

Idinagdag naman ni Aquino na hindi rin umano matapang na makapagpa­hayag ng suporta kay Atienza ang ibang brgy chairmen dahil sa tinatakot na iipitin ang kanilang mga budget na nakatakdang i-release ngayong Marso.

Idinagdag pa nila na hindi sila natatakot sa kasalukuyang administras­yon ng lokal na pamaha­laan kasabay ng panawa­gan sa iba pa na huwag mag­padala sa mga pana­nakot at pang­ gigipit dahil malapit nang manumbalik ang tunay na nanganga­laga at nagma­mahal sa Maynila.

Show comments