Vendors umapela sa CHR
MANILA, Philippines - Hiniling ng Association of Public Market in Manila sa Commission on Human Rights na pigilin ang pagpapatupad sa kautu san ni Manila Mayor Alfredo Lim na nagbabawal sa mga vendor na magsuot at gumamit ng mga giveaways gaya ng apron, pamaypay at t-shirt na may tatak ng pangalan at mukha ng isang kakandidatong politiko habang sila ay nagtitinda.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Lily Pineda, ang naturang kautusan ay walang habas na ipinatutupad ng mga tauhan ng Market Administrators Office, Hawkers at Department of Public Services (DPS) katulong pa ang ilang opisyal ng police na siyang nakasasakop sa palengke.
Sapilitan umanong, ipinahuhubad umano sa kanila ang mga damit at apron na may tatak ng pangalan at mukha ng ilang kandidatong alkalde sa Maynila.
Kapag sumuway sila, huhulihin at kukumpiskahin ang mga paninda ng mga vendors at babantaan pa umano ang mga ito na hindi na makakabalik pa sa puwesto.
Ganito umano ang naging senaryo kamakailan sa mga vendors sa Dagonoy Market San Andres Bukid at Paco Market.
- Latest
- Trending