^

Metro

Nakipagtalo sa tenant: Landlord nahulog mula 3rd floor, todas

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 62 anyos na retiradong pulis­-Makati matapos mabagok ang ulo nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng kaniyang bahay habang nakikipagtalo sa lasing na nangungupahan sa kaniyang paupahang kwarto sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Cesar Sandajan ng 115-A Zapanta St., Singalong, Malate habang isina­­salang sa imbestigasyon ang tenant nitong si Manuel Checa, 63-anyos.

Sa ulat ni Det. Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:30 ng madaling-araw nang dumating umanong lasing si Checa at nagwawala dahil wala nang nagbu­bukas sa kaniya sa pintuan.

Nang buksan umano ng asawa nitong si Maria ang pinto ay hindi pa rin tumigil sa pag-iingay si Checa na nakabubulahaw sa mga natu­tulog na iba pang tenant.

Dahil narinig ito ng biktimang nakatira sa ikalawang palapag, umakyat ito at pinagba­walang mag-ingay ang suspek na lalo pa umanong nag-ingay hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Inaalam din kung aksidenteng nahulog o sadyang itinulak ang biktima ng suspek kaya nahulog sa ground floor. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

A ZAPANTA ST.

CESAR SANDAJAN

CHECA

DAHIL

INAALAM

JONATHAN RUIZ

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANUEL CHECA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with