^

Metro

Roxas Boulevard isasara sa motorista

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng maagang abiso sa mga motorista ang Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Manila Police Dis­trict (MPD) na iwasan ang Roxas Boulevard, sa Maynila sa Linggo ng umaga. Ito’y dahil sa pansa­man­talang pagsasara ng kalye para sa gaganaping taunang fun run activity na ‘11th DZMM Takbo para sa Kalikasan 2010’.

Simula alas-5 ng mada­ling-araw ay isasara pansa­mantala ang soutbound lane ng Roxas Blvd. mula sa Ka­tigbak St. hanggang sa Vito Cruz St., kaya pinayuhan na lamang ng MPD-TEU na ga­mitin ng mga motorista ang alternatibong ruta.

Inaasahan din namang maaapektuhan ang lahat ng cargo trucks, trailers, at vans na magmumula sa Ayala Boulevard at City Hall area kaya’t pinapayagan ang mga ito na dumiretso sa Pier Area via P. Burgos Street at Bonifacio Drive.

Nabatid na ang fun run activitiy ay inaasahang magsi­si­ mula ng alas-6 ng umaga at magtatapos ng alas-8 ng umaga. (Ludy Bermudo)

AYALA BOULEVARD

BURGOS STREET

CITY HALL

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DIS

PIER AREA

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

SHY

TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with