^

Metro

Relay for Life ni Joy B, tagumpay

-

MANILA, Philippines - Matagumpay na na­tapos ang ika-limang taong pagdi­riwang ng Philippine Cancer So­ciety’s Relay for Life 2010 na isinagawa sa Amoranto Sports Complex noong Peb­rero  19 hanggang 20.

Ang Relay for Life 2010 ay isang  overnight event na la­yuning mapalawak ang kaala­man ng mga in­di­bidwal hinggil sa sakit na kanser at supor­tahan ang mga taong may ga­nitong sakit.

Umaabot sa 3,000 ka­tao ang nakiisa sa natu­rang okas­yon mula sa limang samahan, siyam na support groups, 64  QC ba­rangays at 20  depart­ment / offices mula sa lokal na pamahalaan.

Ang naturang pagti­tipon ay personal na pinangasi­waan at binuk­san ni  QC Vice Mayoralty bet Joy Belmonte na siyang Chair­man ng Relay for Life ngayon.

Sinabi ni Belmonte sa okas­yon na patuloy niyang su­suportahan ang adhi­kain ng programa at higit na pala­lawakin ang pro­yekto at akti­bidad para sa kapa­kanan ng mga cancer patients.

Tampok din sa okasyon ang Luminaria bilang pag- alaala sa mga mahal sa buhay na yumao na dahil sa sakit na cancer.

Nakalikom ang Philip­pine Cancer Society ng milyong pisong halaga ng cash at goods donation mula sa mga sponsors, donors at advo­cates. (Angie dela Cruz)

AMORANTO SPORTS COMPLEX

ANG RELAY

ANGIE

BELMONTE

CANCER SOCIETY

JOY BELMONTE

PHILIPPINE CANCER SO

SHY

VICE MAYORALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with