^

Metro

Panadero iniwan ng nobya, nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Hindi kita patatahimikin. Ba­bangon ako at maghi­higanti.”

Ito ang banta ng isang 30- anyos na lalaking nagpati­wa­kal sa pamamagitan ng pagbi­bigti dahil sa hindi makaya­nang paghihinagpis nang ka­lasan ng nobya sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Det. Lester Evan­gelista ang nasawi na si Ruel Marasigan Perez, assistant baker at stay-in sa Bread Avenue bakery na matatagpuan sa #38 Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila.

Ilang oras nang patay si Perez nang matagpuan da­kong alas-2 ng madaling- araw kahapon ng kasama­hang si Richard Hipolito. Huli itong nakitang buhay dakong alas-10 ng gabi ng Martes habang nakikipagtalo sa kanyang nobya na kinilalang si Corita.

Sobrang dinamdam uma­no ng biktima  ang pakikipag­kalas ng nobya lalo na nang iwan na ito dahil sa tumitinding pagtatalo.

Matapos iyon ay hindi na umano narinig o nakita ng mga kasamahan si Perez hanggang sa madiskubre na nga ang ginawa nitong pagpa­pakamatay.

Nagulat umano si Hipolito nang makitang nakabitin na sa  tangke ng tubig sa wash area ang biktima at naka­pulupot sa leeg nito ang kable ng kuryente  na nakasabit sa bakal ng water tower.

Dinatnan ng homicide investigator na nakabitin pa ang biktima at ang suicide note ay nakasulat pa sa suot nitong sleeveless na t-shirt at nagpapakita ng sobrang galit sa kanyang kasintahan sa loob ng apat na taon. 

Bukod sa mga nakasulat na “Hindi kita patatahimikin. Babangon ako at maghi­higanti”, may nakasulat ding “Ate wala kayong kasalanan. Si Corita lang ang dapat ma­nagot .”

Patuloy pang inaalam kung nagkaroon ng foul play sa insidente ng pagpapa­kamatay.

vuukle comment

BREAD AVENUE

LESTER EVAN

MAYNILA

PEREZ

RICHARD HIPOLITO

RUEL MARASIGAN PEREZ

SHY

SI CORITA

VICENTE CRUZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with