^

Metro

Tsinoy trader kinidnap sa Quezon City

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na hindi pa nakilalang mga arma­dong kalalakihan na naka­suot ng t-shirts na may tatak na “Po­lice” ang isang negosyanteng Chinese sa Brgy. Bungad, Quezon City nitong Martes.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Po­lice Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jona­than Chua ng Cycle Mass Marketing na matatag­puan SFDM, Que­zon City.

Batay  sa imbestigas­yon, na­ganap ang pagdu­kot sa bik­­tima sa kahabaan ng Judge Luna St. malapit sa pa­nu­lukan ng De Jesus St., Brgy., bu­ngad ng na­sabing lungsod.

Kasalukuyang minama­neho ng biktima ang ka­nilang kulay maroon na company car na isang Mitsu­­bishi Lancer (WTH-188) patungo sa ka­nilang tanggapan at pagsapit sa lugar ay hinarang ng mga armadong suspect.

Ang mga suspect ay sakay naman ng isang dark colored na behikulo na may plakang ZMC-216 ay agad na tinutukan ng baril ang bik­tima at kina­ladkad pa­baba sa kan­­yang sasak­yan at isina­kay sa sa­sak­yan ng mga suspect­.

Sa inisyal na beripi­kasyon na isinagawa ng mga awto­ridad sa Land Transportation Office (LTO) nabatid na ang plate number­ ng sasakyan na ginamit ng mga suspect ay nakare­histro sa isang Isuzu vehicle­  Model 2007 na kulay puti at nairehistro noong Enero 2008.

Patuloy ang isinasa­ga­wang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy ang grupo ng mga kidnappers at mailigtas ang biktima.

ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

BRGY

CAMP CRAME

CYCLE MASS MARKETING

DE JESUS ST.

JUDGE LUNA ST.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with