Parak huli sa hot car

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang operatiba ng PNP Aviation Security Group (PNP-ASG) ma­tapos na maaktuhan itong nagmamaneho ng isang hot car o nakaw na sasakyan sa isinagawang operasyon sa Tayuman, Maynila. 

Kinilala ang nasakote na si SPO4 Fridel Gamez matapos na nabigo itong makapag-pakita ng certificate of regis­tration at official receipt sa mi­namaneho nitong Ford Sedan na napag-alamang naka­alarma sa rekord ng PNP-HPG.  

Ayon sa ulat, ang suspect ay naaresto sa Tayuman St. , Manila bandang alas -5:30 ng hapon kamakalawa.

Sinabi ng opisyal na na­ispatan ng HPG-NCR opera­tives ang naturang hot car na minamaneho ni Gamez ma­tapos na lumabag sa trapiko.

Hindi na nakapalag si Gamez matapos na makorner ng mga kapwa nito pulis sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigas­yon, natukoy na ang pulang Ford car na may nakakabit na plakang WFK-347  ay ka­bilang sa talaan ng mga wanted na motor vehicles sa HPG na nakaalarma sa PNP-HPG matapos karnapin habang nakaparada sa ka­habaan ng Taft Avenue, Manila noong Nobyembre 2001. (Joy Cantos)

Show comments