^

Metro

Lola natusta sa sunog

-

MANILA, Philippines - Natusta nang buhay ang isang 63-anyos na lola ma­karaang ma-trap sa nasu­sunog nitong bahay nang tangkaing sagipin umano ang kanyang pera at mga gamit kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Insp. Ben­jamin Elenzano Jr., hepe ng homicide section ng Quezon City Police ang biktima na si Aireen Pilot, ng Banahaw St., Brgy. San Martin de Porres, sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente pasado alas-10 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, dumalaw ang biktima sa bahay ng kaibigang si Cita Davalos para makipag­kuwentuhan nang makarinig sila ng malakas na pagsabog at bagsakan ng mga salamin mula sa tinutuluyan ng una.

Agad na pinuntahan ng biktima ang nasabing pag­sabog hanggang sa tumam­bad ang apoy mula sa ikala­wang palapag ng kanyang tinutuluyan.

Sinasabing dahil may na­iwang pera at mahalagang gamit ang biktima sa kanyang kuwarto ay nagpumilit itong pumasok sa naglalagablab na apoy, hanggang sa tuluyang ma-trap ito sa loob ng bahay.

Tumagal ng halos 30 mi­nuto ang sunog kung saan na­tagpuan ang bangkay ng bik­tima na halos hindi na ma­kilala. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AIREEN PILOT

BANAHAW ST.

CHIEF INSP

CITA DAVALOS

ELENZANO JR.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SAN MARTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with