Dalagita nandukot sa simbahan

MANILA, Philippines - Hindi pinatawad ng isang 17-anyos na dalagitang man­durukot ang kabanalan ng Simbahan makaraang mam­biktima ng dalawang lalaking dumadalo sa misa sa Shrine of Jesus Christ Church sa isang shopping mall sa Pasay City kamakalawa.

Nasa kustodiya ngayon ng Pasay City Police ang suspek na itinago sa pangalang Aloha ng Tondo, Maynila. Naka­takda siyang ilipat sa panga­ngalaga ng lokal na Depart­ment of Social Welfare and Development matapos ma­sampahan ng kasong theft.

Nakilala naman ang mga biktima na sina Irvin Victor Soriano, 24, sales represen­tative, ng Novaliches, Quezon City at Carlos Alunan, 42, negosyante, ng Marilao, Bu­lacan. Natangay sa mga ito ang kanilang pitaka at cell­phone.

Ayon sa dalawa, katabi nila sa loob ng naturang sim­bahan si Aloha. Kapwa na­ram­daman ng dalawa na na­wawala na ang kanilang pi­taka at cell­ phone nang tu­mayo sila para mangu­munyon.

Agad namang isinumbong ng dalawa ang dalagita sa guwardiya ng naturang mall na naging dahilan sa pagka­kadakip ni Aloha. Hindi naman narekober sa poses­yon ng dala­gita ang kanilang mga gamit na posibleng na­ipasa nito sa kanyang kasab­wat sa loob ng simbahan. (Danilo Garcia)

Show comments