MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na obrerong si Alexander Aquino ang pinagbabaril at napatay ng tatlong hindi kilalang salarin habang nakikipagkuwentuhan siya sa ilan niyang kapitbahay malapit sa kanyang tahanan sa 13 Molave St., Feria compound, Barangay Matandang Balara, Quezon City kahapon ng madaling-araw. (Ricky Tulipat)