MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District noong Biyernes ang isang 73-anyos na barangay chairman kaugnay sa mga warrant of arrest na inisyu laban sa kaniya ng Manila Regional Trial Court.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Guevarra, chairman ng Barangay 161, Zone 14, District 2, sa Tondo, Maynila.
Sa rekord ng korte, walong indibidwal ang nagharap ng kasong illegal recruitment habang anim na biktima ang nagsampa ng estafa laban sa suspek makaraang matangayan sila nito ng milyong halaga ng salapi kaugnay sa pagre-recruit nito sa kaniyang placement agency sa 99 Ilang st. Salvador Estate, Sucat, Parañaque City. (Ludy Bermudo)