^

Metro

Iregularidad sa MPD jail, binubusisi

-

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang umano’y iregula­ridad na naganap sa loob ng District Jail Management Section (DJMS) matapos na magrek­lamo ang isang inmate na babae ng abortion at extortion.

Pinagpapaliwanag ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-GAS si PO2 Tony Cuderes, nakatalaga sa Office of Chief Investigation District Unit (OCIDU), para sagutin ang inihain na rekla­mo ng isang Aminah Abdulah.

Inatasan si Cuderes na mag­sumite ng kanyang pali­wanag kaugnay sa kasong abortion at money extraction na isinampa ni Abdulah.

Naganap umano ang insi­dente sa loob ng DJMS sa pagitan ng Setyembre hang­gang Disyembre 2009.

Ayon sa ilang MPD insider, buntis umano si Abdulah at doon na inabot ng pagpapa- abort sa DJMS.

Nalaman din na halagang P35,000 ang sangkot sa reklamong money extraction na pinaiimbestigahan ni Reyes.

Bukod sa nabanggit na anomalya, ibinulgar din ng MPD insider na pinagbabayad pa ng halagang P50.00 ang kada bisita na gustong ma­kadalaw sa kanilang mga kaanak na nakadetine sa DJMS.

Ayon kay Reyes, nais niyang malaman kung pa­paano nabuntis ang biktima sa loob ng DJMS.   (Doris Franche)

ABDULAH

AMINAH ABDULAH

AYON

CHIEF INSP

DISTRICT JAIL MANAGEMENT SECTION

DORIS FRANCHE

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARCELO REYES

OFFICE OF CHIEF INVESTIGATION DISTRICT UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with