^

Metro

Demolisyon sa Quezon City, pinatigil ni SB

-

MANILA, Philippines - Pinatigil ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang lahat ng demolisyon, sa Quezon City hanggat hindi nata­tapos ang eleksyon. Sa memorandum circular na nilag­ daan ni Belmonte, ipinag-utos nitong itigil ang anumang demo­lisyon sa QC upang ma­iwasan ang maling kaisipan na ito ay may kinala­man sa halalan. Nais ni Belmonte na ma­ipakita sa lahat na patas ang kanyang tanggapan at ma­iwasan ang maling inter­pre­­tas­yon na ginagamit ng kan­yang administrasyon ang pag­kakataon upang maki­nabang o sirain ang anumang partido politikal at kandidatong kala­hok sa May 2010 election. Hindi kabilang sa kautu­san ni SB ang kasalukuyang pro­yekto ng Department of Public­ Works and Highways (DPWH) at ng QC govt. na lub­hang ka­pakipakinabang sa pangka­lahatang development plan ng lungsod. Ayon sa me­morandum order, lahat ng illegal na istruk­tura na sagabal sa development plan ng lung­sod ay kaila­ngang tanggalin. Tiniyak din ni SB na mata­ta­pos niya ang lahat ng major projects na kinakailangan bago matapos ang kanyang termino sa June 30 ng taong ito.  (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BELMONTE

CRUZ

DEPARTMENT OF PUBLIC

PINATIGIL

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

SHY

WORKS AND HIGHWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with