^

Metro

Bodyguard patay sa riding in tandem

-

MANILA, Philippines - Binaril hanggang sa ma­patay ng riding in tandem ang isang bodyguard kama­ka­lawa sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Hipolito Andrade, 45 at kasalukuyang naninira­han sa Sarimanok St., Mira­mila Homes, Tandang Sora, ng naturang lungsod.

Base sa ulat, nangyari ang insidente ganap na alas- 11:30 ng gabi sa tapat ng Pegasus Club na matatagpuan sa kanto ng Sct.Chuatoco at Quezon Avenue, Quezon City.

Sinasabing sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at huminto sa nasa­bing lugar upang tumawag sana sa kanyang cellphone nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay din ng motorsiko na hindi naplakahan.

Bumunot ng kalibre 45 baril ang isa sa mga suspek bago binira sa ulo at dibdib ang biktima at saka umes­kapo sa lugar ng pinangya­rihan.

Hindi naman binanggit kung sino ang amo ng biktima habang inaalam pa ang mo­tibo sa isinagawang pagpas­lang dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BINARIL

BUMUNOT

HIPOLITO ANDRADE

PEGASUS CLUB

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SARIMANOK ST.

SHY

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with