Sekyu todas sa resbak

MANILA, Philippines - Hinihinalang pinatay ng mga itinataboy na scavenger at tambay ang isang sekyu sa isang parking lot sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Patay na nang matag­puan ang biktimang si Rodolfo Bouma, ng San Bartolome, Novaliches Quezon City dahil sa mga saksak sa ka­tawan.

Hindi pa matukoy kung sino o sinu-sino ang responsable sa pama­maslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng ma­daling-araw nang ma­kitang patay ang biktima sa isang parking area sa harapan ng Philippine National Bank sa 548 Floren­tino St., Sta Cruz, Maynila.

Dakong alas-12:05 nang madaling-araw nang huling makitang buhay ang biktima.

Pinaniniwalaang po­sib­leng may nagagalit umano sa sekyu dahil ginagawang tulugan ng mga basurero at palaboy ang binabantayan nitong parking area na madalas nitong itinataboy. (Ludy Bermudo)

Show comments