Relay for Life ni Joy B., simula ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayong Biyernes, (Pebrero 19) hanggang sa Sabado (Pebrero 20) ang pina­ka-bagong programa ni QC Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte, bilang chairperson ng Relay for Life.

Ganap na alas-3 ng hapon ngayon sisimulan ang paglalakad ng mga makikiisa sa proyekto at magtatapos ng alas-8 ng umaga ng Sabado sa loob ng Amoranto stadium.

Tampok din dito ang ilang pa-contest para higit na sumigla ang naturang okasyon kung saan ang benepisyaryo ay ang mga taong may sakit na kanser. 

Bukod sa Relay for life, si Joy B ay Chairperson din ng Quezon City Ladies Foundation at Ilaw ng Bayan foundation na patu­loy na tumutulong sa mga kapus-palad nating kaba­bayan. (Angie dela Cruz)

Show comments