Relay for Life ni Joy B., simula ngayon
MANILA, Philippines - Sisimulan ngayong Biyernes, (Pebrero 19) hanggang sa Sabado (Pebrero 20) ang pinaka-bagong programa ni QC Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte, bilang chairperson ng Relay for Life.
Ganap na alas-3 ng hapon ngayon sisimulan ang paglalakad ng mga makikiisa sa proyekto at magtatapos ng alas-8 ng umaga ng Sabado sa loob ng Amoranto stadium.
Tampok din dito ang ilang pa-contest para higit na sumigla ang naturang okasyon kung saan ang benepisyaryo ay ang mga taong may sakit na kanser.
Bukod sa Relay for life, si Joy B ay Chairperson din ng Quezon City Ladies Foundation at Ilaw ng Bayan foundation na patuloy na tumutulong sa mga kapus-palad nating kababayan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending