^

Metro

Dahil sa titig, trader binoga

-

MANILA, Philippines - Binaril at nasugatan ang isang negosyante   mata­pos nitong titigan ang isang babae na kasama ng mga suspek sa Na­votas City, kaha­ pon ng madaling-araw.

Nasa kritikal na kon­dis­yon at inoobserbahan sa Jose Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Danilo Santos, 45, ng Gov. Pascual st., Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nagsasa­gawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa naki­kilalang mga suspek.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, naga­nap ang insidente da­kong ala-1:00 ng ma­daling-araw sa KC KTV Bar, na matatagpuan sa kaha­baan ng Governor Pas­cual St., Brgy. San Roque ng na­banggit na siyudad.

Nabatid na kainu­man ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa nabang­git na bar, nang matitigan nito ang isang babae na kasama ng mga suspek sa kata­pat na mesa.

Napansin ng isa sa mga suspek ang pagtitig ng biktima na naging dahilan upang sitahin si Santos. 

Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa bunutin ng isa sa mga suspek ang dalang baril at putukan ang biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BINARIL

BRGY

DANILO SANTOS

GOVERNOR PAS

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

LORDETH BONILLA

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with