^

Metro

Vice-president ng TODA itinumba

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nasawi makaraang pagbabarilin ng isa sa limang armadong kala­la­­kihan ang bise-presi­dente ng isang tricycle association sa isang terminal sa lungsod Que­zon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Flores, 52, operator at bise pre­sidente ng North Triangle Alliance Tricycle-Operators and Dri­vers Association (TODA) at residente ng Tinio St., NPC Ville. Tandang Sora sa lungsod.

Patuloy ang panga­nga­lap ng impormasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang nasabing mga suspect na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, nang­­yari ang insidente sa loob ng central terminal na ma­ta­tagpuan sa Edsa corner Quezon Avenue sa lungsod ga­nap na alas-6 ng gabi.

Sinasabing nakaupo ang biktima at umiinom ng tubig sa isang karin­derya dito nang lapitan siya ng limang suspect.

Isa sa mga suspect ang nagbunot ng baril saka pinaputukan ang biktima sa ulo, habang ang ibang kasamahan nito ay nag­silbing back up.

Matapos ang pama­maril ay naglakad la­mang ang mga suspect na parang walang nang­yari at iniwang walang buhay ang biktima.

Ayon kay Rey Ban­tilan, security guard, na­karinig umano siya ng sigaw mula sa suspect ng katagang “Yun ang suwail” saka ang putok ng baril.

Sinasabing tinangka pa ng sekyu na habulin ang mga suspect, ngu­nit ma­ging ito ay pina­putukan ng mga huli ngunit nagmin­tis at ang tinamaan ay ang naka­paradang Nissan Urban­ sa nasabing lugar.

vuukle comment

AYON

NISSAN URBAN

NORTH TRIANGLE ALLIANCE TRICYCLE-OPERATORS

QUEZON AVENUE

REY BAN

RICARDO FLORES

SHY

SINASABING

TANDANG SORA

TINIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with