Kelot lasog sa forklift

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver matapos na aksidenteng masa­gasaan ng isang forklift na minamaneho ng kanyang kasa­mahan habang ang una ay nagkakarga ng papel sa loob ng kanilang pinapasukang kompanya sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Elifemio Barbara, 54, ng Nagkaisang Nayon, Reliaces Novaliches sa lung­sod. Tumakas naman ang driver ng forklift na nakilala sa alyas na Abe matapos ang insidente at ngayon ay pinaghahanap na ng awtoridad. Base sa ulat, nangyari ang insidente sa may loob ng Carpel Compound, sa Brgy. Payatas sa lungsod ganap na alas -8:45 ng umaga. Bago ito, nagkakarga ng papel sa isang truck ang biktima nang hindi nito namalayan ang paatras ng fork­lift at tamaan siya saka na sagasaan. Nagtamo ng labis na pin­sala sa katawan ng biktima, at nagawa pang itakbo sa Fairview General­ hospital ngunit idineklara din itong patay. (Ricky Tulipat)

Show comments