^

Metro

Dahil sa sugal, driver binoga sa mukha

-

MANILA, Philippines - Hinihinalang dahil sa sugal na “kara y cruz” ang ugat sa pamamaslang ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa isang driver na binaril ng malapitan sa mukha, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Hindi na umabot pang buhay sa Parañaque Community Hospital ang biktimang nakilalang si Jobeth Barro, 33 ng Block 4 Purok Riverside, Brgy. Sun Valley­, ng naturang lungsod.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakilalang suspek dala ang armas na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa isang eskinita sa Villa Paraiso, sa Brgy. Sun Valley habang papauwi na ang bik­tima nang lapitan ng isang hindi nakilalang lalaki at agad na paputukan ng baril sa mukha bago mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na galing umano ang nasawi sa pagsusu­gal ng kara y cruz na umaabot na sa libo ang pustahan. Isang manlalaro umano ang nakatalo ng biktima dahil sa akusasyon ng pandaraya. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

COMMUNITY HOSPITAL

DANILO GARCIA

HINIHINALANG

ISANG

JOBETH BARRO

PUROK RIVERSIDE

SUN VALLEY

VILLA PARAISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with