P.5-milyong pornographic DVD, VCD winasak
MANILA, Philippines - Umaabot sa P500,000 ang halaga ng mga malalaswang DVD at VCD ang sinira ni Manila Mayor Alfredo Lim kaugnay na rin ng isinagawang kampanya ng city government laban sa mga naglipanang nagbebenta nito sa lungsod.
Ayon kay Lim, ang mga sinirang DVD at VCD tapes ay ang nakumpiska sa loob ng isang buwang operasyon ng Manila Police District (MPD) sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Sinabi ni Lim na hindi nila titigilan ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga pornographic materials dahil nakakaimpluwensiya umano ito sa mga kabataan na gumawa ng kahalayan.
Ginamitan ng shredding machine ang mga sinirang pornographic materials na umabot sa halos dalawang oras. Nabatid pa sa alkalde, na nakikipag-ugnayan pa rin sila sa Optical Media Board (OMB) upang matukoy ang mga manufacturer ng mga DVD na siyang nagsu-supply ng mga malalaswang panoorin. (Doris Franche)
- Latest
- Trending