Ivler naghain ng 'not guilty'

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng not guilty plea ang murder suspect na si Jason Ivler sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa kasong pamamaslang kay Renato Ebarle Jr., na anak ng isang mataas na opisyal ng Malacañang sa isinagawang pagbasa ng demanda laban sa kanya kahapon sa sala ni QCRTC Branch 76 Judge Alexander Balut. 

Kaugnay nito, sinabi ng prosekusyon sa korte na nais nilang mailipat na sa kulungan si Ivler pero sinabi ni Dr. Romeo Abery ng Quirino Memorial Medical Center na hindi pa kaya ng kalu­sugan at pangangatawan ni Ivler para makulong sa Quezon City jail.

“The wound is still open. As of now he still needs medical assistance, he could not sit down for a long time.” pahayag ni Dr. Abery.

Si Ivler ay dumalo sa arraignment na nasa stretcher. Dumalo rin ang ina nitong si Marlene Aguilar at stepfather na si Stephen Pollard.

Sinabi ni Balut na si Ivler ay nananatiling nasa custody ng NBI sa QMMC habang hindi pa ito lumalabas ng pagamutan.

Itinakda naman ni Judge Balut ang preliminary con­fe­rence sa kaso sa Pebrero 25 at 26 at sa Marso 2 ang pre-trial sa kaso.

Show comments