^

Metro

1st voters education sa mga preso inilunsad

-

MANILA, Philippines - Dahil ang mga preso ay makakaboto na rin, sinimulan kahapon ng isang non-gov­ern­ment organization (NGOs) ang pagsasagawa ng kauna-unahang voter’s education sa loob ng bilangguan sa Que­zon City kahapon ng tanghali.

Ayon kay P/Supt. Nestor Velasquez, jail warden ng QC Jail, ang voter’s education ay pinangunahan ng The Pri­soner’s Rehabilitation and Empowerment Service Orga­nization (PRESO Inc.) ma­tapos na mabigyan ng pagka­kataon ng Commission on Elections ang mga preso na makaboto sa May 10.

Sinasabing may 259 na kalalakihan at 30 kababa­ihang preso ang lumahok sa nasabing programa kung saan tinuruan ang mga ito na bagong pamamaraan ng pagboto at pagpili ng iboboto sa darating na election.

Ayon naman kay Comelec Commissioner Rene V. Sar­miento, president ng PRESO Inc., ang suporta ng kanilang organisasyon para maipasa ang minute resolution sa Comelec en banc na nagpa­pahintulot sa mga preso na makapagrehistro at bumuto ay hindi nagtatapos lamang dito.

Sa kasalukuyan, may 2,800 ang populasyon ng mga bilanggo sa City Jail, na ayon kay Sarmiento ay malaki ang maitutulong sa mga preso para maitaas ang kanilang kalagayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon maki­kita ng mga kandidato ang kanilang kahalagahan bilang parte ng mamamayan sa bansa. (Ricky Tulipat)

AYON

CITY JAIL

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE V

NESTOR VELASQUEZ

PRESO

REHABILITATION AND EMPOWERMENT SERVICE ORGA

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with