^

Metro

Call center agent grinipuhan, malubha

-

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kala­gayan ang isang call center agent makaraang saksakin ng kaibigan nito na isa ring call center agent sa loob ng kanilang inuupahang boarding house kamakalawa ng madaling-araw sa Pasig City.

Inoobserbahan ng mga manggagamot sa Mission Hospital ang biktimang nakila­lang si Copernicus Jamito, 29, pansamantalang nanu­nu­luyan sa De Castro Subdivision, Barangay Sta. Lucia ng naturang lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Ylvic Dollete na nahaharap na sa kasong frustrated homicide.

Sa ulat ng Pasig Police, naganap ang pananaksak dakong alas-2:00 nitong Sabado ng madaling-araw nang makarinig ng sunud-sunod na kalabog sa kuwar­tong tinutuluyan ng dalawa ang mga kasambahay.

Naabutan na lamang ng mga rumespondeng awtori­dad ang duguang biktima na mabilis isinugod sa paga­mutan habang naabutan ang suspek na nakatulala sa duguang biktima. Nabatid na nagtamo ang biktima ng 15 tama ng saksak sa katawan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumalabas na nag-iinuman umano ang dalawa bago maganap ang krimen. Sa inisyal na ulat, may hinala ang mga awtoridad na ma­aaring may relasyon ang dalawang lalaki. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY STA

COPERNICUS JAMITO

DANILO GARCIA

DE CASTRO SUBDIVISION

INOOBSERBAHAN

MISSION HOSPITAL

PASIG CITY

PASIG POLICE

SHY

YLVIC DOLLETE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with