^

Metro

Ivler puwede na sa arraignment

-

MANILA, Philippines - Maayos na ang kon­disyon at maari nang du­malo sa mga pagdinig sa korte ang murder suspect na si Jason Ivler kahit nag­papagaling pa sa ospital dahil sa tinamong sugat sa pakikipagbarilan sa mga ahente ng National Bureau of Investigation.

Ito ang sinabi ng ilang impormante sa Quezon City Memorial Medical Center kahapon bilang tugon sa kondisyon ni Ivler kung nararapat na itong lumabas ng ospital para dumalo sa nakatakdang arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa Martes sa Quezon City Regional Trial Court.

Sinabi ng impormante na kaya na naman ng katawan ni Ivler ang bumiyahe dahil maayos na naman ang kala­gayan nito maliban lamang umano sa mga sugat na natamo nito na hanggang sa ngayon ay inoobserbahan pa rin nila.

Si Ivler ay nakatakdang isalang sa arraignment bukas sa sala ni Judge Alexander Balut ng branch 76.

Si Ivler ay nasugatan matapos na makipagpalitan ng putok sa NBI agents na nagse-serve ng warrant para sa kanyang pag-aresto noong January 18 dahil sa pagpatay kay Renato Victor Ibarle Jr., anak ng isang opisyal ng Malakanyang dahil sa simpleng away trapiko. (Ricky Tulipat)

IVLER

JASON IVLER

JUDGE ALEXANDER BALUT

MAAYOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RENATO VICTOR IBARLE JR.

RICKY TULIPAT

SI IVLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with