Chinese New Year, dinagsa ng mga kandidato
MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno ang makulay ang pagdiriwang kahapon ng Chinese New Year sa Chinatown, Binondo, Maynila.
Isinagawa ang tradisyu nal na parada at dragon dance kasabay ng pamamahagi ng ‘ampao’ sa publiko.
Hindi naman naiwasang mahaluan ng political rally ang selebrasyon matapos na lahukan ng ilang mga kandidato sa pagka-senador.
Tulad na rin ng nakasanayan, dagsa ang bentahan ng mga lucky charms at tikoy na sinasabing pampasuwerte sa bahay.
Isang programa rin ang ginanap dakong alas-5 hanggang alas-7 ng gabi sa Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo. (Doris Franche)
- Latest
- Trending