Abogado todas sa aksidente
MANILA, Philippines - Patay ang isang abogado makaraang sumalpok ang sinasakyan nitong kotse sa paanan ng flyover sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang nasawi na si Atty. Marcos Santiago Jr., 49, ng David St., Novaliches Proper, sa lungsod.
Nangyari ang insidente pasado ala-1 ng madaling-araw sa may EDSA Quezon Avenue Flyover. Diumano, mabilis na tinatahak ng Honda Civic (WGA-654) na minamaneho ni Atty. Santiago ang lugar galing Monumento nang pagsapit ng paanan ng flyover ay biglang nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa paanan ng flyover. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending